Latest

AlDub Nagkita na!



Nang dahil sa wildcard round ng Bulaga pa More, Dabarkads pa More, ay nagkita na nga si Yaya Dub at si Alden. Ito ay matapos ang performance ni Yaya Dub. Ngunit, bago pa man magkalapit at magkasama ang dalawa ay biglang hinarang ni Lola Nidora ang daan kung saan sila nagkita. Dahil dito, nagkita man sila ay hindi pa rin nagkasama ang dalawa na matagal nang hinihintay ng mga manonood. Talaga namang grabe ang kilig na dinala ng dalawa sa mga manonood dahil trending na nga ang #ALDUBBATTLEforacause sa Philippines at sa buong mundo na may humigit kumulang 2.9 milyong tweets at tumataas pa.


Bago tuluyang makaalis si Lola Nidora at Yaya Dub bigla namang kinidnap ng mga 'di pa nakikilalang mga lalaki si Yaya Dub at isinakay sa van paalis ng Broadway. Dahil dito, nagkita man si Yaya Dub at Alden ay siguradong aabangan pa rin ng mga manonood ang mga susunod na mangyayari sa kauna-unahang Kalyeserye sa bansa. ang #KiligpaMore.

No comments:

Post a Comment

ANIMA Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.