Latest

Tips Para 'Di Ka Ma-Late

Estudyante ka man o empleyado, may pagkakataon na lang male-late ka. Kasalanan mo man o kasalanan ng traffic, male-late at male-late ka talaga. Common na sigurong palusot ng mga nalelate ang traffic pero sa totoo lang late lang talaga sila nagising o mabagal lang talaga sila kumilos. Kung ayaw mo nang ma-late dahil isang late na lang e tanggal ka na sa trabaho o may sanction ka na mula sa eskwelahan mo, sundin mo na lang ang mga tips na ito.


1. Alarm

Siguro napaka-cliche na ng payo na ito kaya lalagyan natin ng kaunting twist. Kung kagaya kita na hindi magising sa isang tunog ng alarm, i-set mo ang alarm mo na parang ganito: 4:59, 5:00, 5:01, 5:02. Bahala ka na kung ilang ganyan ang iseset mo basta ang mahalaga ay tuloy-tuloy ang magiging tunog nito kaya kung hindi man ikaw ang magising, magigisibg naman ang iba at sila na ang gigising sa'yo. Galing 'di ba.


2. Kilos!

Huwag kang babagal-bagal. Kung kailangab mong kumain, maligo, at magbihis bago pumasok, matuto kang magset kung gaano lang katagal tatagal ang mga ito. Maganda ito para alam mo na kung anong oras ka makakaalis.


3. Time Your Trip 

Matagal ka naman na sigurong pumapasok sa opisina o paaralan ko diba? Kung gayon, dapat alam mo na kung gaano katagal anh byahe mula sa bahay niyo patungo sa destinasyon mo. Mula dito, matatantsa mo kung anong oras ka dapat umalis ng bahay mo.


4. Adjust

Mag-adjust ka tol! Kung alam mong late ka na makakaalis ng bahay dahil napatagal ka ng ligo, mag-adjust ka na. Pwedeng bilisan o wag ka na nang kumain ng almusal o 'di naman kaya'y bawasan na ang pagtatagal sa pagbibihis. Ganun din kapag sa jeep o sa kung anong sinasakyan mo. Kung alam mong 'di na umuusad ang traffic, at alam monh kaya nang lakarin ang layo, bumaba ka na at maglakad. Huwag bang tamad. Ikaw din naman ang male-late e.


5. Prepare Ahead

Kung gusto mong mabawasan ang oras ng paghahanda mo bago pumasok, pwede ka namang maghanda kinagabihan pa lang. Pwedeng gabi pa lang e mamalantsa ka na o 'di naman kaya e ihanda mo na ang medyas at mga susuotin mo. Kung ganito ang gagawin mo, makakatupid ka na ng oras kinabukasan dahil hindi ka na magsasayang ng oras sa paghahanap ng nga susuotin mo.


Kung 'di gumana ang mga nasa taas at na-late ka pa rin, maghanda ka na ng excuse letter araw-araw para kung ma-late ka man, handa ka na.

No comments:

Post a Comment

ANIMA Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.