POGS!
Kung hindi mo alam kung ano ang Pogs, isa lang ang masasabi ko sa iyo, ang boring ng pagkabata mo! Pero para na rin sa mga hindi nakakaalam, ang pogs ay isang parang karton na pabilog na nilalaro ng mga bata. Hindi siya laging nilalaro. Seasonal siya- ibig sabihin depende kung uso. Pwede rin kasing text ('di ako sure sa spelling) o goma o kung ano pa man ang uso.
Ang Pogs ay may iba't ibang uri ng disenyo. Mula sa Frozen hanggang sa Dragonball hanggangsa Pokemon hanggang sa kung anong teleserye ang uso, meron at merong disenyo yan sa pogs. Kadalasang pinaiikot sa ere ang pogs kasama ng dalawa pang pog isa ay ang sa kalaban mo at ang isa ay panabla. Kapag ang pog mo ang naiba sa tatlo ikaw ang mananalo. Ang mapapanalunan mo ay depende sa napag-usapan niyo ng kalaban mo. Meron pa yang iba't ibang estilo, merong mababa ay kaya mataas para lang mapalanunan mo yung taya.
Talaga namang mapapabalik ka sa pagkabata mo sa tuwing nakakikita ka nito. Maaalala mo ang mga karanasan mo noon pati na ang mga linya ng magulang mo sa tuwing hindi ka na mautusan dahil dito.
"Gusto mong pakuluan ko 'yan? Ipapahigop ko sa'yo ang sabaw niyan."
At siyempre, dito ka rin ata natutong mandaya. Oo, nadadaya to. Pero hindi 100% ang pagkapanalo. Naaalala ko pa nung pinagdidikit ko ang dalawang pog gamit ang kanin o paste para mas madaling pataubin ang pog ng kalaban kapag ginamit ito sa hampasan. (Isa pang uri ng laro ng pog kung saan ihahampas mo ang pog sa pog ng kalaban mo para mapataob ito.)
DALAWANG POG NA PINAGDIKIT |
PS. Nung kapanahunan namin piso-dalawa ang pog sa tindahan kaya ang mga bata ay bumibili ng pog sa mga nananalo sa laban dahil ibinebenta ito sa halagang piso-sampu o sampung pogs sa halagang piso. Sa panahon ngayon tumaas na ito. piso-kinse na ito.
No comments:
Post a Comment