Mayaman
ka man o hindi, imposibleng hindi ka pa nakakakita ng computer shops
lalung-lalo na dito sa Metro Manila. Halos sa lahat ng kanto ng mga barangay ay
may computer shops. Isa na sa pinakamalalaking dahilan kung bakit sikat ang
computer shops ay dahil hindi karamihan sa mga Pilipino ay may computer sa
bahay o kahit anong teknolohiya kung saan pwede mong gawin ang mga simpleng
bagay kagaya ng pagfe-facebook at pagre—esearch para sa mga assignment. Pero,
marami pang ibang dahilan kung bakit marami ang tumatangkilik sa mga computer
shops.
1. Mura
Nung
unang sumikat ang mga computer shops, P15 pa ang bayad noon sa isang oras at
bilang promo ay P25 naman kapag dalawang oras. Ganito ang presyuhan ng mga
computer shops dahil iilan lang naman ang mga computer shops noon. Pero, nang
dumami na ang mg aka-kumpetensya at umusbong na ang mga cellphone at pisonet,
ibinaba nila ang bayad sa P10 kada oras. Kung iisipin parang mas makatitipid ka
dito dahil imbis na kumunsyumo ka ng pang isang oras na baterya ng
laptop/computer at isang oras na nakasaksak ang internet ay magbabayad ka na
lang ng P10 para sa isang oras sa computer shops.
2. Kumpleto
Kadalasan,
kumpleto ang mga computer shops sa hanap mo. Mula skype para sa mga
nakikipag-usap sa kano hanggang sa mga nagdo-DOTA hanggang sa pinakalatest na
version ng Microsoft office ay meron sila. Kumbaga, kung may gusto kang laruing
laro pero alam mong pagsasawaan mo lang at nababagot kang hintayin ang
napakatagal na pagda-download, mas mabuti nang mga computer shop ka na lang.
3. Barkada
Hindi
kumpleto ang paglalaro ng DOTA o kung anumang online game kung hindi kasama ang
barkada. Hindi rin naman kayo pwedeng mag-DOTA sa iisang lugar kaya ang
ginagawa ng mga magkakaibigan ay pumupunta sa computer shops para rumenta at
doon sila maglalaro. ( Sila yung mga maiingay at nagmumurahan sa loob ng com
shops. )
4. Mabilis
Hindi
naman pwedeng mabagal ang internet ng isang computer shop dahil paniguradong
madi-disappoint ang mga rumerenta. Kaya nga ina-avail minsan ng mga may-ari ang
pinakamabilis na plan sa mga internet upang kayanin ang maraming PC na
gumagamit ng internet ng sabay-sabay.
5. Malaya
Bukod
sa mga taong nasa palagid mo na titingin-tingin sa monitor mo, wala ng iba pang
makakaalam sa ginagawa mo. Ibig sabihin, hindi malalaman ng nanay mo kung
nakikipag-usap ka man sa girlfriend/boyfriend mo. Pwede mo ring gamitin yung
computer sa mga com shops nang hindi nalalaman ang IP address dahil karmihan
ngayon sa mga computer shops ay naka-hide na ang IP Address.
Hindi
lang ito ang mga dahilan kung bakit patok sa mga pinoy ang com shops pero kahit
ano pa man ang dahilan darating at darating ang punto sa buhay mo na rerenta ka
sa comshop sa ayaw mo man o sa gusto.
No comments:
Post a Comment