Latest

Welcome to Anima!


Welcome to Anima!



Siguro ay nagtataka ka kung para saan ang blog na ito. Ang sagot ay hindi ko rin alam. Naisipan ko lang gumawa ng blog para mga bagay na gusto kong i-discuss na hindi ko madiscuss sa ibang tao dahil sa palagay ko'y 'di nila ako maiintindihan. Kasama na rin sa blog na ito ang ilang hilig ko kagaya ng pagkuha ng larawan (hindi talaga ako magaling doon, wala akong matinong camera) at mga latest hindi sa Showbiz kundi sa balita. Isinama ko an rin ang hilig ko sa technology dahil hindi man halata e, mahilig akong tumingin ng mga cellphone kahit wala akong pambili. Mahilig rin akong pagbigay ng mga kuro-kuro lalung-lalo nasa mga napapanahong isyu kaya dapat mo sigurong alalahanin yun kung balak mo pang manatili sa blog na ito. 



Bakit Anima? Anima is the italian term for soul. Bakit soul? 'Di ko rin alam, nung naghahanap ako ng ipapangalan sa blog na ito naisipan ko lang i-browse ang mga italian terms na ginagamit for music at isa ito sa mga kumuha ng atensyon  ko. 


What should you expect? Wala. I believe in the saying, "Expect Nothing and You will Never be Disappointed". So para di ka ma-disappoint at para hindi ka na rin manghusga kung 'di mo man mapagtripan ang blog na ito, huwag ka na lang mag-expect tutal ito ang unang blog ko. 


BTW, maraming salamat sa pagpunta mo rito. Hindi ko alam kung paano ka napunta rito pero sana may mapulot ka sa mga bagay-bagay na nasa blog na ito.  


PS.

Huwag mong pansinin yung picture sa taas. Design lang 'yun. Kthxbye. 

-Awtor


No comments:

Post a Comment

ANIMA Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.