Latest

Bakit Filipino?


Marahil ay nagtataka ka kung bakit ang ilang bahagi ng site na ito ay isinulat sa Filipino. Hindi ito isang pagkakamali kundi isang pagpapakita kung sino ako at kung ano ang dahilan kung bakit ako sumusulat.


Filipino ang gagamitin ko sa karamihan ng mga ikukwento kong karanasan sapagkat sa wikang ito ako pinalaki ng mga magulang ko at sa wikang ito ako mas nakapagpapahayag. Kahit na ako ngayo'y nag-aaral sa isang paaralang kilala sa pagiging "Englishero", hindi nawala sa akin ang pagmamahal sa sarili nating wika. Hindi ko alam. Lagi kong sinasabi na napakakulay ng ating wika. Hindi ka lilimitahan ng wikang Filipino sa kung ano ang nais mong sabihin. May isang salitang Filipino na sigurado akong maglalarawan sa kahit anong nararamdaman mo. Dahil siguro sa mas naipapahayag ko ang sarili ko at ang nais kong sabihin sa wikang Filipino. Siguro, ay dahil hindi lang talaga ako magaling sa English. Siguro ay dahil takot lang din ako mahusgahan kung may mali ako sa balarila sa wikang Ingles. 



Pero, siguro ang pinakamagandang dahilan kung bakit Filipino ay dahil mahal ko ang wika ko. Mahal ko ang bayan ko.Ikaw? Isa ka ba sa mga katulad ko?

No comments:

Post a Comment

ANIMA Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.