Latest

Biking in the Rain



BIKING IN THE RAIN

Isa siguro sa mga pinaka-ayaw kong nagyayari tuwing naba-bike ako ay yung bigla na lang bubuhos ang ulan. As in, biglaan. Hindi man lang umambon. Bigla na lang bumuhos na akala mo'y isang baldeng binubuhos sa'yo. Wala kang choice kundi sumilong pero ang nakakainis diyan e, kahit sumilong ka ay mababasa ka pa rin. Nakakairita ito dahil una, syempre mababasa ka. Pangalawa, mababasa yung upuan ng bike na sobrang tagal patuyuin at pangatlo, 'di ka makakarating sa pupuntahan mo on time.


Nang inabutan ako ng ulan sa daan habang nagbibisikleta ay galing ako sa isang bilihan ng burger at kaya lang ako nagbike dahil ipinaluto ko muna yung burger para babalikan ko na lang kapag luto na. Sa kasamaang palad, hindi ako nakabalik agad dahil sa ulan at no choice ako kundi sumilong sa isang puno kung saan tumatagos naman ang tubig ulan.

Nang medyo humina ang ulan, agad akong umuwi sa amin at kumuha ng payong para balikan ang ipinaluto ko. Take note: Nakabike pa rin ako nito. Wala naman naging problema ngunit nang pauwi na ako hindi ko naisip ang isang napakalaking katangahan. Yung isang kamay ko ay nasa payong at ang isa ay nasa balot ng burger na binili ko. So, wala sa mga kamay ko ang nakahawak sa preno. Dahil dito, muntik na akong maaksidente. Oo. Napagitnaan ako ng tricycle at isang tao at hindi ako nakapagpreno dahil nga may hawak ang pareho kong kamay. Kaya kayo, huwag niyo akong tularan. Kung minalas-malas siguro ako, ito ang magiging itsura ko.

No comments:

Post a Comment

ANIMA Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.