Latest

OFWs Nagalit sa Bagong Regulasyon ng Customs



Naghimutok ang libo-libong OFW sa ibang bansa dahil sa bagong regulasyon na ipatutupad ng Customs. Anila, ang pagdadagdag ng buwis sa mga Balikbayan Boxes ay 'di makatarungan. Dagdag pa nila, huwag daw sanang buksan ng Customs ang mga padala nila dahil inaasahan nilang mga pamilya nila ang unang magbubukas nito.

Ang nasabing isyu ay gumagawa na ng ingay lalung-lalo na sa Social Media. Dumamay na nga pati ang ilang celebrity kagaya ni Kris Aquino na nagpahayag na ng simpatya para sa mga OFW.

Ayos naman sa Palasyo, hindi papatawan ng karagdagang buwis ang Balikbayan Boxes ngunit ipatutupad ang Random Inspection para sa mga Balikbayan Boxes. Anila, kailangan ito upang maiwasan ang smuggling sa mga Balikbayan Boxes. Mayroon kasing mga OFW na nagpapadala upang ibenta ang mga laman ng Balikbayan Boxes. 


Dahil dito, magpapatupad na ang Customs ng Random Inspection upang tiyaking walang new item na kasama ang mga Balikbayan Boxes at hindi dapat lalagpas ang halaga ng laman ng Balikbayan Boxes sa isang itinakdang halaga. Gagawin na ring requirement ng Customs ang pagdidikta ng lahat ng laman ng isang Balikbayan Boxes.

Ayon naman sa bagong Customs Head, hindi nila nais pahirapan ang mga OFW pero dapat nilang ipatupad ang mga batas.

No comments:

Post a Comment

ANIMA Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.