Latest

Pagdinig ukol sa Mabagal na Internet ng Pilipinas, 'Di Sinipot


Dahil sa mabagal na internet connection ng Pilipinas na pangalawa sa pinakamabagal na internet sa buong Asia at sa hindi tamang advertisements ng ilang kumpanya ukol sa bilis ng kanilang internet, Senado na ang nag-imbestiga kung ano ang dahilan ng mabagal na internet ng Pilipinas.


Ngunit, napuna ng maraming netizens na hindi sinipot ng mga senador ang nasabing pagdinig maliban lang kay Senator Bam Aquino na siyang nag-iimbestiga sa nasabing isyu. Kahit na wala ang iba niyang kasama sa senado, ipinagpatuloy ang pagdinig at isa-isang pinagsalita ang mga kinatawan mula sa iba't ibang internet service provider at ang NTC ukol sa kasalukuyang kondisyon ng internet connection sa ating bansa.


Dahil dito, napuri ng ilang netizens ang ginawang ito ni Sen. Bam Aquino dahil ani nila, ipinapakita nito ang kaniyang kalagayan at ang kaniyang mga aksyon upang tugunan ang ilan sa mga suliranin ng ating bansa. Sinabi ring upang lalo nating mapanindigan ang titulong "Social Media Capital of the World" nararapat lang na tama ang bilis ng internet na ating binabayaran.

No comments:

Post a Comment

ANIMA Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.