Latest

Kalaban mo ang Buhay



Minsan sa buhay natin, iniisip natin kung bakit ang mga bagay-bagay ay hindi umaayon sa kung paano mo ito gusto. Minsan pa, ang kabaliktaran ng gusto mong mangyari ang nangyayari. Para bang, nananadya ang buhay at gusto ka talagang inisin at pahirapan.

Madaya talaga ang buhay; punung-puno ito ng mga pandaraya. Mula sa kung bakit ang mga mabait ang naghihirap at ang mga masasama ang mayayaman hanggang sa kung bakit ang mga manloloko ang may girlfriend (#hugot) at ang mga katulad mong honest ay wala pa ring lovelife hanggang sa kung bakit yung inaasar mong pandak noon e mas matangkad na sa'yo ngayon at ang pinagtritripan mong panget noon ay chix na ngayon. Andaya!


Mapapaisip ka na lang bigla, bakit ansama ng buhay sa'yo; bakit parang ang malas mo, na anumang horoscope ang magsabi na suswertihin ka ay 'di naman tumatalab. Malas, malas, malas. Parang punung-puno ng kalungkutan at kamalasan ang buhay mo pero minsan may mas malalim na dahilan ang mga bagay na ito.


Maaaring kaya nga nahihirapan ngayon ay para sa mga susunod na hamon sa buhay mo ay hindi ka na may mahirapan pa o 'di naman kaya'y 'di mo na ito alalahanin pa. Kalaban mo ang buhay at dapat mo itong alalahanin lagi. Masarap mabuhay pero hindi ang buhay. Pahihirapan ka ng buhay hanggang sa sumuko ka pero hindi ito ang sasagot sa paghihirap mo. Matalo man o manalo, laban lang dahil kailan man hindi sagot ang pagsuko.

No comments:

Post a Comment

ANIMA Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.