Latest

Solusyon sa Trapik, Iginiit.



Isang magandang palatandaang ang ekonomiya ay lumalago kung nagkakaroon na ng kakayahan ang mga mamamayan ng isang bansa na makabili ng sasakyan. Isa itong palatandaang umuunlad na ang pamumuhay ng karamihan sa mga nakatira sa isang bansa. Subalit, ang pagdami ng mga sasakyan ay hindi nakabubuti kung hindi handa ang mga kalsadang tatahakin ng mga ito dahil imbis na makatulong sa ekonomiya'y baka makasama pa ito.

Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ng Japan sa Metro Manila, mahigit Php 2.2 Billion ang nawawala sa ekononiya kada isang oras ng traffic. Ibig sabihin kung isang oras ang traffic sa isang araw mula Lunes hanggang Linggo, maaari natin sabihing halos 700 bilyong piso ang nawawala sa ekonomiya ng Pilipinas. Ang traffic na ito ay dulot ng pagdami ng mga sasakyan at kawalan ng mga kalsadang makakasalo sa dami ng mga ito.

Sa pinakahuling ulat, 260,000 mga sasakyan na ang nadagdag sa Metro Manila noong 2014 at patuloy pa itong nadadagdagan ngayong taon. Isinabay pa sa napakadaming mga sasakyang ito ang kaliwa't kanang mga proyekto ng pamahalaang naglalayong ayusin ang buhol-buhol na trapiko.

Kamakailan lang, binatikos ng mga tao ang naging pahayag ni DOTC Secretary Abaya na nagsasabing hindi nakamamatay ang traffic. Nag-init ang ulo ng ilang biyahero sa pahayag na ito lalung-lalo na yung mga nagco-commute na sumasakay at nakikipagsiksikan sa mga tren.

Ayon naman sa Palasyo, ginagawa na nila ang lahat upang ibsan ang nararanasang traffic ng bansa dahil kahit sila'y nanghihinayang sa nawawalang pera sa ating ekonomiya. Humingi naman sila ng pang-unawa para sa mga proyektong isinasagawa ngayon na nakadadagdag sa bigat ng trapiko. Anila, kapag natapos na ang konstruksyon ng mga proyektong ito, makatutulong ang mga ito upang pagaanin ang trapiko sa Metro Manila.

No comments:

Post a Comment

ANIMA Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.