Latest

Kasalang #YaKie 'Di Natuloy!



Hindi natuloy ang kasalang #YaKie dahil napag-alamang impostor pala ang pastor na nagsagawa ng kanilang kasal. Dahil dito, walang bisa ang kasal ni Yaya Dub at Frankie. Samantala, napag-alaman ding walang sakit si Lola Nidora dahil binayaran lang niya si Dr. Tan-Ning upang sabihing may sakit siya upang maikasal si Frankie kay Yaya Dub at makuha ni Lola ang Php 51,000,500 na kailangan nito para makuha ang Diary na naglalaman ng dahilan kung bakit hindi puwede sa isa't isa si Yaya Dub at Alden.


Matapos mapawalang bisa ang kasal, nagbunyi ang libo-libong fans dahil inakala nilang dito na magtatapos ang kalyeserye na #KiligPaMore. Sa huli, humingi ng tawad si Lola Nidora kay Alden dahil sa paggamit nito sa kaniya upang makuha ang pera. Nagpalitan din ng dubsmash at mensahe si Alden at Yaya Dub bago tuluyang i-freeze ang eksena.


Samantala, ilang linggo nang namamayagpag ang ratings ng Eat Bulaga dahil sa tambalang #AlDub. Sa pinakahuling survey na lumabas halos eight times na ang laki ng ratings ng Eat Bulaga laban sa katapat nitong Showtime. Lumalabas na 40% na ang ratings ng Eat Bulaga samantalang ang ratings ng Showtime ay nasa 5% lang.


Inaasahan namang bibigyan na ng project ng GMA ang tambalang #AlDub habang mainit pa ang tambalan sa mga manonood.


Hinihinala namang nagkaroon ng Emergency Meeting ang ABS-CBN dahil nga sa patuloy na pagtaas ng ratings ng AlDub. Dahil dito, iba't ibang segment ang nais ngayong palutangin ng Network sa Showtime upang mabawi ang dati nitong ratings. Kabilang na nga rito ang segment kung saan nagsasagutan si Vice Ganda at Ryan Rems, ang kauna-unahang Funny One Grand Champion.


Inaasahan namang titindi pa ang mga rebelasyon sa kauna-unahang Kalyeserye sa telebisyon ngayon pang may pera na si Lola Nidora upang matubos ang Diary na ninakaw sa kaniya ng Riding-in-Tandem.

No comments:

Post a Comment

ANIMA Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.