Latest

Php 100,000 para sa Makapagtuturo ng Pumatay kay Pamana


Nag-alok na ng Php 100,000 ang DENR para sa makapagtuturo ng pumatay kay Pamana na isang Philippine Eagle. Natagpuang patay si Pamana dahil sa tama ng baril. Ikinalungkot ng mga tagapag-alaga nito ang pagkamatay nito dahil na rin si Pamana ay kabilang sa mga endangered specie ng Philippine Eagle.


Kinundena rin ng PETA, ang pagkamatay ni Pamana at ang alok na pabuya ng DENR. Anila, kulang ang 100,000 pabuya dahil ang isang Philippione Eagle ay nagkakahalaga na ng higit sa 200,000 piso. Naniniwala rin ang PETA na 'trip' lang ng nakabaril kay Pamana ang pagbaril dito dahil hindi nito kinuha ang kaniyang katawan.


Nagpahayag naman ng pagkadismaya si Kim Atienza, isang environmentalist, sa pagkamatay ni Pamana. Si Pamana at inalagaan muna at pinalaki sa isang lugar bago ito tuluyang pinakawalan. Nang pinakawalan ito, nilagyan ito ng GPS tracker upang malaman ang lokasyon nito. Nang hindi na gumagalaw ang GPS Tracker, tsaka na naghinala ang mga opisyal na may nakapatay kay Pamana at tama nga ang kanilang hinala.

No comments:

Post a Comment

ANIMA Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.